Malvar's Day Celebration 2016

Noong nakaraang Setyembre 27, 2016 ay ipinagdiwang ang ika isang daan at limamput isang kaarawan ni General Miguel Malvar dito sa ating munisipalidad. Bago pa man pumatak ang Setyembre 27 ay nagkaroon na ng pa unang selebrasyon para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Gen. Miguel Malvar noong Setyembre 26 sa Malvar Cultural Center. Naganap ang isang natatanging pagtatanghal ng Bikolano Artist Foundation na pinamagatang “INA-Nuestra Seniora De Penafrancia” na nagmula pa sa lalawigan ng Naga Probinsya ng Bicol. Sa araw ding ito ay naganap din ang Jobs Fair 2016 sa Malvar Municipal Hall na nilahukan ng 15 na kumpanya mula sa ating bayan at karatig pang bayan. Noong Setyember 27 naman, ay pinasimulan ng isang misa ang selebrasyon ng kaarawan ni General Miguel Malvar na dinaluhan ng ating punong bayan Cristeta Cuevas Reyes, Vice Mayor Alberto Lat at miyembro ng Sangguniang Bayan ng Malvar kasama ang mga empleyado ng Pamahalaang Bayan, DEPED Malvar, mga Punong Barangay, Senior Citizen, Rotary Club of Malvar, Malvar Police, Malvar PNP, Association of Barangay Kagawad, Knights of Columbus, U and I Club of Malvar, C.P Reyes Hospital, at iba pang private and public organization sa bayan ng Malvar. Doon ay nag alay sila isa-isa ng mga bulaklak sa bantayog ni Heneral Miguel Malvar.Isinabay din sa pagdiriwang ang blessing ng bagong Legislative Hall ng Pamahalaang Bayan ng Malvar.,

Nuestra Seniora De Penafrancia”

Jobs Fair 2016

Malvar’s Day and Wreath Laying Ceremony

Post a Comment

0 Comments