Municipal and Development Council 2016

Noong nakaraang Oktubre 11, 2016 ay nagsagawa ang Pamahalaang Bayan ng Malvar ng Municipal Development Council. Dito ay iniulat ng Punong Bayan, katulong ang Municipal Engineer Leonida Mando ang mga natapos at kasalukuyang mga naging proyektong inprastraktura ng ating Pamahalaang Bayan. Kaugnay din dito ay iprinesenta din ni MPDC Evangeline Evangelio ang 20% Development Fund Appropriations na nakalaan sa taong 2017 para sa labinlimang barangay ng Malvar na sinundan naman ng pag uulat ng MLGOO Ms. Gloria Paz Toledo ng Grassroots Participatory Budgeting 2016 Projects. Kabilang din sa mga lumahok sa Municipal Development Council (MDC) ang pangalawang punong bayang Alberto Lat kasama ang miyembro ng Sangguniang Bayn, mga Barangay Captains, Civil Society Organization, Municipal Department Heads at ilan kawani ng gobyerno.

Post a Comment

0 Comments