Community Based Monitoring System Barangay Validation

Noong nakaraang Pebrero 2-9, 2017 ay isinagawa ang Barangay Community Based Monitoring System (CBMS) Validation ng ating pamahalaang bayan ng Malvar sa Pangunguna ng Head ng MPDC na si Mrs. Eva Evangelio. Siyam sa labin limang barangay sa Bayan ng Malvar ang napag ulatan ng resulta ng nakaraang CBMS survey 2016. Kabilang dito ang barangay Bilucao, San Isidro, Bulihan, San Pedro I, San Pedro II, Bagong Pook, Poblacion, San Juan at San Gregorio. Dinaluhan ang nasabing pag uulat ng mga kapitan, kagawad, narangay nutrition scholar at mga barangay health workers.

Ang Community Based Monitoring System (CBMS) ay malaking tulong para sa mga programa, plano at kahandaan ng local government unit (LGU) sa iba’t ibang sitwasyon. Sa pamamagitan ng mga impormasyong hawak ng CBMS ay madaling matutukoy ang mga lugar, tao o pamilya na higit na mas nangangailangan ng ayuda galing sa local na pamahalaan. Gamit din ang CBMS sa pagtukoy ng mga beneficiaries ng mga proyektong dumarating sa lalawigan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at maging mula sa non government agencies.

CBMS din ang pinagbabasehan ng mahahalagang demographics ng kalagayaan ng mga mamamayan. Kung sino ang mahihirap, saan sila matatagpuan at bakit sila naghihirap.

Post a Comment

0 Comments