KASALANG BAYAN 2018

Noong nakaraang ika-14 ng Pebrero taong kasalukuyan, tatlumput limang (35) pares ng magkasintahan sa bayan ng Malvar ang lumahok sa taunang “Kasalang Bayan” na isinagawa ni Mayor Alberto C. Lat sa Malvar Municipal Hall. Pinangunahan ni Pastor Rey Dela Cruz ang programa sa pamamagitan ng isang spiritual message na sinundan naman ng pagbating mensahe ng kagalang galang na Mayor Alberto C. Lat. Pangunahing panauhin pandangal din sa nasabing programa si Atty. Claire Castro, isang abogado at Co anchor sa ABS-CBN DZMM Teleradyo. Ang taunang aktibidad na ito ay naglalayon na maasistehan ang mga taga malvar na magkasintahan na nais magpakasal subalit kulang pinansyal upang makagastos sa isang Civil Wedding. Ang Pamahalaang Bayan ng Malvar ay tumutulong sa mga magkasintahan upang ma proseso at makompleto ng mabilis ang kanilang dokumento, seminar at rehistrasyon sa munispyo. Nagtapos ang programa sa isang mensahe ng Pangalawang Punong Bayan Matt Louie M. Aranda.

Post a Comment

0 Comments