Malvar Batangas:
Puyat pawis at pagod ang naging puhunan ayon sa Alkalde sa kabila ng mga pinagdaanan nito na mga usapin sa Ombudsman at akusasyon sa kanya lahat ng itoy naging Stepping stone sa kanya upang tumayo at lumaban bago nakamit ang tagumpay para sa bayan at maging number one sa buong Batangas
.
Nasa puso na niya noon pa man ang kagustuhan na maging public servant at makatulong lalo na sa mga walang kakayahan na may mga sakit, señor citizens at mga bata ayon sa ilan niyang mga nakasama sa LGU ng Malvar.
Kung kayat laging mga kahon-kahong mga gamot at mga vitamins ang makikita sa kanyang tanggapan para pag laanan ang mga nakatira sa laylayan at riles na mas nangangailangan ng medikal na atensyon.
Bagamat walang back ground sa pagiging pulitiko, pinasok agad ni Mayor Teta Reyes ang pagiging Alkalde dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya ng taong bayan.
Mula sa pagiging negosyante at ina, nakuha niya ang puso ng mga Malvareño na ngayon ay nasa 72,000 na aniya.
Makikita rin sa Malvar and Lipa Batangas ang malalaking kumpanya sa Lima Park ang Lima park hotel Robinson, Hitachi,Epson,Littlefuse,Mitsuba at Sohbi Kohgei Phils at ang dinarayong "Outlet" na pinaghahatian ng Malvar at Lipa na kilala sa buong CALABARZON!
0 Comments