March 18, 2025 📍Brgy. San Juan “Sa maagang screening

 



March 18, 2025

📍Brgy. San Juan
“Sa maagang screening, mas mapapababa ang panganib ng cancer dahil mas magiging maaga ang gamutan habang hindi pa ito malala.Ang isang komunidad ay magiging malakas lang kung malakas ang mga kababaihan. The Philippines is a matriarchal society. We have to take care of women. Dahil sa bagong Pilipinas, bawat babae mahalaga,” -DOH Sec. Ted Herbosa .
Pangatlo sa karaniwang cancer sa mga Pilipino ang cervical cancer. Sa kabila nito, nananatiling mas mababa pa sa 1% ang nagpapatingin nang maaga para sana sa mas maagap na gamutan at maiwasan ang pagkamatay ng pasyente. Dahil dito, mas pinaiigting pa ng DOH at ng ating bayan sa pangnguna ng ating butihing Mayor Cristeta Cuevas Reyes, Doktora Konsehala Delia Tagle at Municipal Health Office sa pamumuno ni Dra. Kierley Villanueva ang mga hakbang para mapigilan ang malalang kaso ng cancer sa pamamagitan ng libreng early screening.

Post a Comment

0 Comments