Isang Produktibong Umaga para sa Kalikasan!





 Isang Produktibong Umaga para sa Kalikasan!

Ang Bayan ng Malvar ay bahagi ng Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation, and Preservation Program (MBCRP) dahil dinadaanan ito ng isa sa mga pangunahing ilog na umaagos patungo sa Manila Bay. Dahil dito, may mahalagang papel ang Malvar sa pagpapanatili ng kalinisan ng mga katubigan na konektado sa naturang ilog. Bilang bahagi ng programang ito, aktibong nakikilahok ang lokal na pamahalaan sa mga inisyatibo ng Manila Bay Task Force upang masigurong ang mga ilog at sapa sa bayan ay hindi nagiging sanhi ng polusyon.
Pinangunahan ni Mayor Admiral Artemio Abu ang Consultation Meeting ng Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation, and Preservation Program (MBCRP) na layuning mas mapabuti ang pangangalaga at rehabilitasyon ng Manila Bay.
Sa ilalim ng Implementing Rules and Regulations ng MBCRP, Series of 2015, inaatasan ang mga LGU na bumuo ng Manila Bay Task Force upang magplano at magpatupad ng mga programang may kinalaman sa pangangalaga ng baybayin.
Hinikayat ng ating butihing alkalde ang mga kinatawan mula sa MENRO, MPDC, ENGINEERING OFFICE, MSWDO, BPLO, MHO at mga Kapitan ng Barangay na tiyaking mapataas ang antas ng pagsunod ng Bayan ng Malvar sa mga national compliance standards tungo sa mas malinis, ligtas, at masaganang Manila Bay.

Post a Comment

0 Comments