Sorting Facility mula sa Asia Society for Social Improvement and Sustainable Transformation

Tinanggap ni Mayor Admiral Artemio Abu, kasama ang Pangalawang Punong Bayan Emiliano Lat at tanggapan ng MENRO ang Sorting Facility mula sa Asia Society for Social Improvement and Sustainable Transformation, katuwang ang JTI Philippines, bahagi ng programang nakatuon sa pangangalaga ng kalikasan! ♻️

Ang nasabing proyekto ay makakatulong sa LGU Malvar para sa maayos na pamamahala ng basura na may dignidad, malinis at ligtas na lugar.

Ito ay isang patunay ng matibay na ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at mga pribadong sektor tungo sa isang maunlad na Bayan ng Malvar.

Post a Comment

0 Comments