πππππππ | Alinsunod sa ipinatutupad na ordinansa ng Pamahalaang Lokal ng Malvar, lahat ng magulang—kasal man o hindi—ay may tungkuling magtanim ng isang puno para sa bawat bata na kanilang isinilang.
Ang pagtatanim ay dapat maisagawa sa loob ng tatlumpung (30) araw mula sa petsa ng kapanganakan. Maaari itong isagawa sa sariling bakuran ng pamilya, sa itinakdang lugar ng barangay, o sa mga lupang aprubado ng munisipyo.
0 Comments