𝐒𝐔𝐍𝐉𝐈𝐍 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐈𝐧𝐜𝐨𝐫𝐩𝐨𝐫𝐚𝐭𝐞𝐝, 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐭𝐮𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐥𝐯𝐚𝐫 𝐬𝐚 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐞𝐝𝐮𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧
Ngayong araw, sa Office of the Mayor, pormal na tinanggap ng mga piling qualified college students ang kanilang educational support mula sa SUNJIN Philippines Incorporated sa pamamagitan ng LGU Malvar. Dumalo sa turnover sina SUNJIN HR Manager Nars Adriano at HR Supervisor Badet Faminial, kasama ang ating butihing Punong Bayan, Mayor Admiral Art Abu.
Sa isang makabuluhang turnover ceremony, ipinahayag ni Mayor Abu ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa SUNJIN Philippines sa patuloy na pag-alalay sa mga kabataang Malvareno na nagsusumikap makamit ang kanilang mga pangarap. Pinuri naman ng SUNJIN Philippines ang LGU Malvar dahil sa maayos at patas na proseso ng pagpili ng anim na benepisyaryong estudyante.
Naniniwala si Mayor Abu na ang edukasyon ang susi sa mas maliwanag na kinabukasan. Kaya’t patuloy niyang isinusulong at pinalalawak ang mga programang pang-edukasyon upang mas maraming kabataang Malvareño ang mabigyan ng pagkakataon, makapagtapos, at maging huwarang inspirasyon para sa kinabukasan ng ating bayan.
0 Comments