Coastal Clean-Up




Mula sa matagumpay na Coastal Clean-Up ngayong umaga, agad na tumuloy si Mayor Admiral Art Abu (Ret.) sa iba’t ibang makabuluhang gawain para sa bayan:

✅ National ID Caravan for Senior Citizens sa Brgy. Bilucao – upang matiyak na mas maraming nakatatanda ang makakakuha ng kanilang pambansang pagkakakilanlan sa paglalapit ng serbisyo ng pamahalaan sa kanilang lugar.

✅ Guest of Honor sa Criminology Day Celebration sa Padre Garcia – pagbibigay inspirasyon sa mga kabataang nagnanais maglingkod sa larangan ng katarungan at seguridad.

✅ General Assembly ng Municipal Council for the Protection of Children – pagtitiyak ng mas ligtas, maayos, at mas maliwanag na kinabukasan para sa mga kabataan.

✅ Esconda Camp sa Malvar Senior High School – pagsuporta sa pagbubuo ng disiplina, liderato, at pagkakaisa ng kabataan.

Isang makabuluhang araw kung saan bawat hakbang ni Mayor Abu ay malinaw na patunay ng kanyang malasakit sa kalikasan, kabataan, nakatatanda, at sa buong sambayanang Malvareño

Post a Comment

0 Comments