Driving Seminar




Sa pakikipag ugnayan ng LGU Malvar ay nagsagawa ng dalawang araw na Driving Seminar ang LTO Tanauan sa mga mamamayan ng Malvar na nag nanais na makakuha ng Diver’s License. Ang nasabing programa ay pinamunuan ni Councilor Atty Ralph Morcilla.  

“Ang Driver’s License ay simbulo ng tiwala ng Gobyerno na ang isang tao ay may kaalaman sa pagmamaneho, may disiplina at malasakit sa kapuwa.  Ito ay isang uri ng karapatan at pribilehiyo na may kaakibat na mabigat na responsibilidad upang maging mabuting mamamayan na may disiplina, pagrespeto at malasakit sa kapuwa”, ayon kay Mayor Admiral Art Abu.  

Nagpasalamat din siya sa LTO-Tanauan sa patuloy na pagsuporta sa mga programa ng LGU-Malvar.

Post a Comment

0 Comments