Dumalo si Mayor Admiral Art Abu sa Investiture Ceremonies ng Girl Scouts sa San Isidro National High School at sa Luta Elementary School.
Narito ang bahagi ng kanyang mensahe: “Kaya napakahalaga ng Girl Scouting sa nation building. Ang bawat badge na nakakamit ninyo ay hindi lamang dekorasyon, kundi tanda ng inyong sipag, disiplina, at malasakit. Ang bawat kamping, bawat community project, at bawat leadership training ay naghuhubog sa inyo bilang mga lider na may tapang, malasakit, at pananagutan.
Kayo, mga Girl Scouts, ay mga batang babae na ngayon pa lang ay tumutulong nang magbuo ng mas maayos na kinabukasan para sa ating bayan. Ang mga halagang inyong natututunan—disiplina, integridad, pagtutulungan, at kahusayan—ay siyang haliging bumubuo ng matatag na pamayanan at matatag na bansa”.
0 Comments