Ground Breaking Ceremony para sa pagpapatayo ng isang school building sa Luta Elementary School, na binubuo ng dalawang Classroom, dalawang CR at kompleto na table and chairs.
Ang nasabing proyekto ay bunga ng magandang ugnayan nina Mayor Admiral Art Abu, Mr Philip Ng (Owner and CEO of ERGO Blocks) at Ms Johanna Angeles of 818 Dragon Construction.
Donasyon ang nasabing gusali na isinasalarawan bilang Fire Proof, Weather Proof at Earthquake Proof. Bahagi ito ng suporta ng mga negosyante sa Bayan ng Malvar sa LGU-Malvar upang maisakatuparan ang pagbibigay ng sapat at wastong edukasyon para sa ating kabataan.
“Tunay pa bibigyang pansin natin at pahalaga ang Edukasyon sa pakikipagtulungan ng LGU-Malvar, ating mga kaibigan at stakeholders sa bayan”, wika ni Mayor Admiral Abu.
0 Comments