PERSONAL na tinanggap ni Malvar Mayor Admiral Art Abu ang dalawang bagong tayong school building mula sa tanggapan ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. (FCCCII) at Batangas Fil-Chinese Chamber of Commerce.
Isinagawa ang Turnover Ceremony para sa mga bagong pasilidad sa Luta Sur Elementary School at sa bagong Pook Elementary School na pawang ibinigay nina Mr. Alfredo Lim Ting, at Mr. Ching Din Chow kasama ang buong Federation.
Dumalo rin ang mga kinatawan ng Federation tulad nina Welfare Committee Vice Chairmen Nelson Licup at Vorakarn Prenksamar, Welfare Committee Member Anson G. Tan, Property Committee Vice Chairmen Willy Co at Ms. Min Li Cui, Property Committee Council Members Mr. Xiaolong Zhao at Jerome Yu, Property Committee Appointee Ms. Janice Co, Mr Jimmy Cheng, Jimmy Almerino, at Mr Ken Ang.
Nagpasalamat din sina Dr. Chona Dirain (DepEd District), Dr. Perez (Division Representative) at ang school principals na sina Ms. Mayra Dela Peña ng Luta Sur Elementary School at Mario Perez ng Bagong Pook Elementary School, maging ang mga konsehal ng barangay.
Mainit na sinalubong ng mga mag-aaral ang mga bisita at muling napatunayan na ang pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor partikular na sa larangan ng de kalidad na edukasyon para sa mga kabataan.
0 Comments