Formal na pinagtibay ang Memorandum of Agreement sa pagitan nina Mayor Art Abu ng Malvar at Mayor Kyunghee Youn ng Cheongsong, Korea patungkol sa patuloy na pagpapadala ng mga magsasaka na taga Malvar sa Korea bilang Seasonal Farm Workers.
Kinausap din ni Mayor Admiral Art ang Pangulo ng Korean Farm Owners’ Association upang alamin ang katatayuan ng mga magsasaka mula sa Malvar.
Samantala bumisita din ang LGU-Malvar delegation sa bukid kung saan nagtratrabaho ang ilang Malvareño.
Inanyayahan din si Mayor Admiral Art Abu bilang Guest Speaker sa Apple Festival Opening Ceremony sa Cheonsong County.
0 Comments