Dumalo si Mayor Admiral Art Abu sa isinagawang Forum on Local Governance and Development sa University of Asia and the Pacific kung saan ay tinalakay ang kahalagahan ng Pamahalaang Lokal sa pagbibigay ng serbisyo sa bayan at sa mamamayan!
Bilang bago sa larangan ng pamamahala sa lokal na pamahalaan, batid ni Mayor Admiral Abu na kailangan nya na patuloy na mag-aral upang higit pa nya mapahusay ang pagganap sa kanyang tungkulin.
“Life is a continuing learning process, we need to continually upgrade our knowledge about local governance, kung saan ang serbisyo ay direkta at nakatuon sa mga tao. Dumalo ako dito dahil ang tema ng pagpupulong ay patungkol sa good governance. Very interesting ang mensahe nina Secretary Ernesto V Perez ng Anti-Red Tape Authority, Atty John Philip Yeung - ang President of the University of Asia and the Pacific, Dr Alex Brillantes of UP National College of Public Administration and Governance, Vice Governor Dodo Mandanas, DILG Director Anna Liza F Bonagua, at Dr Jesus Estanislao- ang Co-Founder ng University of Asia and the Pacific. Very powerful virtues in governance that must be kept in mind: maka Diyos, Maka Tao, maka Kalikasan, at maka Bansa”, wika ni Mayor Admiral Abu.
0 Comments