In Photos | Kasabay ng pagdiriwang ng ika-100 araw ng panunungkulan ni Mayor Admiral Artemio Abu ay isinagawa rin ang pagbendisyon at opisyal na turnover ng anim (6) na Toyota Grandia Ambulance para sa mga barangay ng San Pioquinto, Poblacion, Luta Norte, Luta Sur, San Fernando, at Santiago, na personal na tinanggap ng kani-kanilang Punong Barangay.
Ang hakbanging ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mapalakas ang serbisyong pangkalusugan at agarang tugon sa mga pang-emergency na sitwasyon sa bawat barangay.
Bilang bahagi rin ng suporta at pagpapatatag sa mga ahensya ng lokal na pamahalaan, tumanggap ang PNP Malvar at Traffic Management Office (TMO) ng mga bagong motorsiklo upang higit pang mapaigting ang kanilang operasyon at serbisyo tungo sa seguridad at kaayusan ng bayan. Samantala, ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) naman ay pinagkalooban ng mga Search and Rescue Equipment na magsisilbing dagdag-kakayahan sa pagtugon sa mga sakuna at kalamidad.
#Ika100-ArawNgPanunungkulanNiMayorAdmiralArtemioAbu
#MatatagNaPamahalaanAtMaginhawangMamayan
#MalvarBatangas
0 Comments