𝐓𝐢𝐧𝐠𝐧𝐚𝐧 | Nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Malvar, sa pangunguna ni 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐀𝐝𝐦𝐢𝐫𝐚𝐥 𝐀𝐫𝐭𝐞𝐦𝐢𝐨 𝐌. 𝐀𝐛𝐮, sa isinagawang 100 𝐃𝐚𝐲𝐬 𝐨𝐟 𝐆𝐨𝐯. 𝐕𝐢 𝐒𝐩𝐞𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐑𝐞𝐩𝐨𝐫𝐭 ngayong araw, kasama ang mga Barangay Captains ng bawat Barangay sa Bayan ng Malvar.
Ang adhikain ni 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐕𝐢𝐥𝐦𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨𝐬-𝐑𝐞𝐜𝐭𝐨 na makamit ang Matatag na Batangas sa pamamagitan ng 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓𝐒 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 ay tugma sa mga layunin ni Mayor Abu para sa bayan ng Malvar na kanyang binigyang-diin sa nauna niyang paguulat sa bayan sa kanyang Unang 100 Araw sa panunungkulan. Sa parehong diwa, binigyang-prayoridad din ni Mayor Abu ang mga Programang Pangkalusugan at Pang-edukasyon para sa kapakanan ng mga Malvareño.
Ayon kay Mayor Abu ay kanyang pagsisikapan na mabigyang daan ang layunin ng Pamahalaang Bayan ng Malvar upang patuloy na magiging kaagapay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pagsusulong ng mga programa at proyektong magtataas ng antas ng pamumuhay ng bawat Batangueño at magpapatatag sa kinabukasan ng lalawigan.
0 Comments