Ngayong October 3, 2025: Tinanggap ni Mayor Admiral Artemio Abu ang dalawang school building na may tig-dalawang classrooms na ibinigay ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. at Batangas Fil-Chinese Chamber of Commerce. Isinagawa ang Turnover Ceremony para sa mga bagong pasilidad sa Luta Sur Elementary School, donated by Mr. Alfredo Lim Ting, at sa Bagong Pook Elementary School, donated by Mr. Ching Din Chow kasama ang buong Federation.

Dumalo din ang mga kinatawan ng Federation tulad nina Welfare Committee Vice Chairmen Nelson Licup at Vorakarn Prenksamar, Welfare Committee Member Anson G. Tan, Property Committee Vice Chairmen Willy Co at Ms. Min Li Cui, Property Committee Council Members Mr. Xiaolong Zhao at Jerome Yu, Property Committee Appointee Ms. Janice Co, Mr Jimmy Cheng, Jimmy Almerino at Mr Ken Ang.
Nagpasalamat din sina Dr. Chona Dirain (DepEd District), Dr. Perez (Division Representative) at ang school principals na sina Ms Mayra Dela Peña ng Luta Sur Elementary School at Mario Perez ng Bagong Pook Elementary School, maging ang mga konsehal ng Barangay. 
Mainit na sinalubong ng mga mag-aaral ang mga bisita at muling napatunayan na ang pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor at hanay na nagbibigay ng kaalaman ang tunay na sandigan ng magandang kinabukasan sa ating mamamayan.
“Ang mga paaralang ito ay hindi lamang istruktura, kundi simbolo ng pagkakaibigan.  Ito rin ang tahanan ng kaalaman, pangarap, at pag-asa na nagsisilbing pundasyon ng kinabukasan”, ayon kay Mayor Admiral Abu.

Post a Comment

0 Comments