Oktubre 6, 2025: dumalo di Mayor Admiral Artemio Abu sa pagbubukas ng Malvar Sub-Office Sports Competitions 2025 na may temang “Galing at Lakas ng Batangueño: Daan sa Pagbabago tungo sa Pag-angat at Pag-asenso.”
Dumalo din sina Dr. Agrifina A. Dirain, mga konsehal ng bayan, barangay captains, school heads, teachers, coaches, mga manlalaro at PTA officers mula sa 29 paaralan na binubuo ng 24 na pampubliko at 5 pribadong paaralan, mula Elementary hanggang Senior High School.
Binigyang-diin ni Mayor Abu na sa pamamagitan ng sports competition na ito, naipapakita ang sense of pride at malakas na pundasyon tungo sa magandang kinabukasan. Hinimok din niya ang lahat na manlalaro na ipamalas ang kahusayan, disiplina, at pagkakaisa bilang tunay na katangian ng bawat Malvareño.
“Sabay-sabay po nating isigaw: “Taas Noo , Ipinagmamalaki ko - Malvareño Ako!”, wika ni Mayor Admiral Abu.
0 Comments