Pagkabalik mula sa bansang Korea dahil sa Official na Engagement sa LGU ng Cheonsong County ay agad na nagpatawag si Mayor Admiral Abu ng isang meeting kasama si TMO Chief Joevel Latido at kanyang mga tauhan upang talakayin ang mainit na usapin sa social media hinggil sa nangyaring demolisyon sa natitirang isang bahay sa Malvar–Sto. Tomas Bypass Road na pag mamay-ari ni Mr Marino Laracas.

Napag alaman sa nasabing pagpupulong na ipinatupad lamang ang mga tauhan ng pamahalaan ang nauna nang napag-usapan na kusang loob na aalis si Ginoong Marino Laracas dahil meron na rin namang itinalaga na lupa upang kanyang lilipatan at meron ding nakalaang kaukulang halaga na naipamigay na para sa paglipat ng mga naninirahan sa nasabing lugar.  
Ang Malvar-Sto Tomas Bypass Road ay pagmamay-ari ng pamahalaan at ito ay pinagtibay na din ng Commission on Human Rights (CHR) sa naunang desisyon ng nasabing ahensya sa kaparehong reklamo na inihain ni Ginoong Laracas.
Sinisiguro ni Mayor Abu na walang sinumang nalapastangan o nasaktan sa isinagawang demolisyon.
Binigyang-diin din ni Mayor Abu na hindi niya kukunsintihin ang anumang uri ng pang-aabuso o maling paggamit ng kapangyarihan ng sinumang kawani ng pamahalaan. Aniya, tungkulin ng bawat lingkod-bayan na magsilbi nang may respeto at naaayon sa kalakaran ng batas para sa kapakanan ng bawat Malvareño.

Post a Comment

0 Comments