Patuloy na isinusulong ni Mayor Admiral Artemio Abu ang matatag na ugnayan sa bawat barangay bilang mahalagang katuwang sa pagpapatupad ng mga programa ng lokal na pamahalaan.
Ngayong weekend, dinaluhan ng ating Punong Bayan ang State of the Barangay Address (SOBA) ng tatlong barangay—San Fernando, San Gregorio, at Santiago—upang personal na marinig ang mga ulat ukol sa kalagayan, proyekto, at adhikain ng bawat pamayanan.
Ang ganitong pakikilahok ay patunay ng malasakit at pagtutulungan ng pamahalaang bayan at mga barangay tungo sa mas maayos, mas maunlad, at mas makataong serbisyo para sa bawat Malvareño. 🇵🇭
0 Comments