ADVISORY | NOVEMBER 10, 2025 (LUNES)






Batay sa Tropical Cyclone Bulletin No. 3 ng DOST-PAGASA para sa Bagyong #UwanPH (FUNG-WONG) na ipinalabas kaninang 5:00 AM, Nobyembre 8, 2025, kung saan nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa buong lalawigan ng Batangas at nagbabadya na ito ay lalakas pa.
Dahil dito ay nais po nating ipabatid na ang lahat ng antas ng klase sa pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Malvar ay SUSPENDIDO po sa darating na Lunes, Nobyembre 10, 2025, upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at kawani.
💨 TANDAAN:
 • Inaasahan ang malalakas na hangin at malalakas na pag-ulan bunsod ng #UwanPH.
 • Manatili sa ligtas na lugar at iwasan ang mga mabababang bahagi o landslide-prone areas.
 • Makinig sa mga opisyal na abiso mula sa DOST-PAGASA at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Malvar.
Manatiling alerto at ligtas po tayong lahat, Mahal naming Malvareños!

Post a Comment

0 Comments