Attention Malvareños: Bilang simbulo ng pagkakaisa at pamamaraan ng pagpapahayag ng pagkondena sa maling pamamahala sa kaban ng bayan, magkakaroon po tayo ng “Operation BAYANniJUAN sa MALVAR” sa darating na Sabado Nobyembre 22, 2025.
Inaanyayahan po ang mga kababayan nating Malvareño sa gaganapin na Clean-up Operations sa Malvar Sports Arena Compound na magsisimula sa ganap na 5:30 ng umaga. Magdala po tayo ng gamit panlinis sa kapaligiran upang maging makabuluhan ang ating pagtitipon.
Ito po ay pamumunuan ni Mr Joselito Equia, ang ating Civil Security Commander at may additional duty bilang Parks Development and Maintenance Officer.
Layunin ng ating Mayor na gawing sentro ng pampublikong pagtitipon ang Malvar Sports Arena at magsilbi ito bilang salamin ng ating bayan sa larangan ng kahusayan at pagkakaisa.
Kung kayat nananawagan po ang ating Punongbayan upang ito ay ating sama-samang pagyamanin at ingatan.
Tara na, Sali Na sa BayaniJuan sa Bayan ng Malvar!
0 Comments