Sa gitna ng kasagsagan ng bagyong Uwan ay binisita ni Mayor Admiral Art Abu ang lahat ng Barangay sa Bayan ng Malvar kasama ang mga Konsehal ng Bayan, MDRRMO, MSWDO, PNP, BFP, Head Executive Assistant to the Mayor at iba pang volunteer na kawani ng Munisipyo upang kumustahin ang mga Barangay Officials na naka duty sa Barangay Hall at ang mga evacuees sa designated Evacuation Center. Nagpasalamat si Mayor Admiral Art sa mga Kapitan ng Barangay, Konsehal, SK, BHW, BPSO, BNS, Lupong Tagapamayapa, at lahat ng Brgy Functionaries dahil hindi nila iniwan ang kanilang Barangay Hall, Health Centers at designated Evacuation Areas.
“Kahit malalim na sa gabi at malakas ang ulan ay nababanaag pa rin sa kanilang mga mata at ngiti at sigla sa paglilingkod sa ating mga kababayan”, wika ni Mayor Admiral Art.
0 Comments