Imbes na magprotesta sa kalsada, nagkaisa ang Bayan ng Malvar, Batangas sa paglilinis ng kapaligiran at pangangalaga sa kalikasan bilang pagkondena sa maling pamamahala sa kaban ng bayan.
Binigyang-diin ni Mayor Artemio Abu—isang retiradong heneral na hinubog ng disiplina at pagmamahal sa bansa—na mananatiling tuwid at tapat ang pamamahala sa Malvar.
Tiniyak niyang hindi mapapako ang kanyang mga pangako at walang katiwaliang dudungis sa bayan.
0 Comments