Dumalo si Mayor Admiral Art Abu kasama sina Vice Mayor Emil Lat at Dr Richen del Mundo sa ginanap na Universal Healthcare Summit sa Lalawigan ng Batangas. Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan din ng mga Mayor, Vice Mayor, Municipal Health Officers, Presidente ng mga Pampublikong Hospital sa lalawigan at mga opisyales ng DOH at PhilHealth.
Naging Guest Speaker naman si Governor Vilma Santos-Recto, kung saan ay hinimok niya ang mga LGU sa buong lalawigan upang suportahan ang pagpapatupad ng Universal Health Care System tungo sa kabutihan ng bawat Batangueño.
0 Comments