First Flag Raising Ceremony para sa buwan ng Disyembre.




Ginanap ngayong umaga ang kauna-unahang Flag Raising Ceremony para sa buwan ng Disyembre, 2025.
Sa kanyang mensahe, muling hinikayat ni Mayor Admiral Art Abu ang lahat ng kawani ng pamahalaan upang bigyan ng pagpapahalaga ang pagdalo sa Flag Raising Ceremony dahil ito ang una at pinaka basic na obligasyon ng mga lingkod bayan.  
Pinasalamatan din niya ang lahat ng empleyado ng Pamahalaang Bayan ng Malvar na nakasama niya sa unang limang buwan ng kanyang panunungkulan bilang Mayor. “Sana naman po ay nakita at nadadama ninyo ang mga pagbabago sa uri ng pamamahala at mga kaganapan sa ating bayan na naging bunga ng ating sama-samang paglilingkod”, wika ni Mayor Abu.
Kanya rin muling pinaalalahanan ang bawat kawani na huwag makontento sa “basta na”,  “pwede na” or “dati naman ganyan kaya ayos na yan”, dahil ang nais ng kanyang pamunuan ay patuloy na maitaas ang antas ng serbisyo publiko sa bayan ng Malvar.  “We will raise the bar in leadership and governance sa ating bayan”, ang kanyang paulit-ulit na paalala upang isulong ang mas mataas na pamantayan sa serbisyo publiko sa bayan ng Malvar.

Post a Comment

0 Comments