Ginanap ang isang Call for Unity and Responsibility through Environmental protection (CURE) sa Bayan ng Malvar ngayong Sabado ng umaga.




Ito Clean-Up Drive  sa Oval sa pangunguna ng ni Mayor Admiral Art Abu, kasama ang mga Kapitan ng Barangay, functionaries, mga guro, estudyante, PNP, BFP, CSO’s, senior citizens, fraternities, at private individuals sa Bayan ng Malvar.  
“Salamat po sa inyong pagdalalo.  Nagpapakita lang po tayo na nais nating palakasin ang mensahe ng pagkakaisa, pakikilahok, at paninindigan—hindi sa pamamagitan ng ingay o martsa, kundi sa pamamagitan ng isang makabuluhan at positibong hakbang para pangalagaan ang ating kapaligiran.
Ang tema ng ating pagkilos: Pagkakaisa at Pananagutan para sa Kalinisan at Kaayusan. Ipinapahayag po natin ang ating paninindigan laban sa anumang maling pamamahala sa pondo ng bayan—hindi sa pamamagitan ng rally, kundi sa paraang nagbibigay benepisyo sa lahat: isang mas malinis, mas maayos, at mas maginhawang Malvar.
Sa pagtitipon na ito, ipapakita natin na ang Malvareño ay hindi kailanman mananahimik kapag may kailangang ituwid, ngunit pipiliin nating kumilos sa paraang nagbubuklod, nagpapalakas, at tunay na nagpapahayag ng ating malasakit sa bayan.
“For evil to triumph, let hood men do nothing” at isa pa ay iniiwasab natin na magkaroon tayo ng “Sin of Omission”, wika ni Mayor Admiral Abu.

Post a Comment

0 Comments