Isinagawa ang Annual Budget Hearing sa pangunguna ng Local Finance Committee, na binubuo ng Treasurer’s Office, Accounting Office, Municipal Budget Office at Municipal Planning Development Office.



Pinangunahan ang naturang deliberasyon ng Chairman on Finance and Budget Appropriation, Konsehal Matt Aranda, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, upang masusing talakayin at pag-aralan ang mga proposed budget allocations para sa susunod na taon.

Sa pulong na ito, muling tiniyak ni Mayor Admiral Art Abu na ang pondo ng Bayan ng Malvar ay nakatuon sa mga programang direktang madarama ng mga Mamamayang Malvareño. Kabilang dito ang mga pangunahing inisyatiba sa ilalim ng 10-Point Agenda ng Punong Bayan, na layong maghatid ng mas matatag na pamahalaan at maginhawang pamumuhay para sa bawat pamilyang Malvareño.

Post a Comment

0 Comments