Ipinagdiwang ang 50th Alay Lakad na may temang “Ika-50 Taon ng Hakbang para sa Kinabukasan ng Matatag na Kabataan,” isang makasaysayang pagtitipong naglalayong palakasin ang suporta para sa edukasyon at kapakanan ng kabataang Pilipino.
Ginanap ang aktibidad sa Memorial Dreamzone, Capitol Compound, Batangas City, at dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang LGU, paaralan, at organisasyon. Pinangunahan ito ni Governor Vilma Santos-Recto, na muling binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na paggabay sa mga kabataan. Naging bahagi rin ng selebrasyon ang pagpili sa Ms. Alay Lakad 2025.
Ipinakita ng Lokal na Pamahalaan ng Malvar, sa pangunguna ni Mayor Admiral Art Abu ang buong suporta at aktibong pakikiisa sa nasabing aktibidad. Muling pinatunayan ng sambayanan na sa pagkakaisa at sama-samang pagkilos ay naitataguyod ang mas matatag at maunlad na kinabukasan para sa mga mamamayang Batangueño..
0 Comments