Mahigit 1,300 Malvareño ang tumanggap ng payout mula sa Local 4Ps Distribution ng Pamahalaang Bayan ng Malvar. Pinangunahan ito ng MSWDO, katuwang ang Treasurer’s Office, upang matiyak na ang tulong ay direktang nakararating sa mga pamilyang nangangailangan.
Sa mensahe ni Mayor Admiral Art Abu ay sisikapin ng Lokal na Pamahalaan Malvar ang pagpapatupad ng mga programang may malasakit, may direksyon, at tunay na nagbubukas ng oportunidad para sa mas maayos at maginhawang pamumuhay para sa bawat Malvareño.
0 Comments