Matagumpay na isinagawa ng Malvar School of Arts and Trades (MSAT) ang BSP Investiture Ceremony and School-Based Camping na may temang “Be Prepared: Scouts for Peace and Sustainable Development Goals.”






Matagumpay na isinagawa ng Malvar School of Arts and Trades (MSAT) ang BSP Investiture Ceremony and School-Based Camping na may temang “Be Prepared: Scouts for Peace and Sustainable Development Goals.”
Dumalo ang ating Punongbayan na si Admiral Artemio M. Abu na nagbigay inspirasyon sa mga kabataang boy scouts.  
“Ang araw na ito ay isang makasaysayang sandali ng pagtatalaga at pangako—ang Investiture Ceremony at School-Based Camping ay hindi lamang simpleng aktibidad ng paaralan. Ito rin ay simula ng inyong paglalakbay tungo sa pagiging tunay na lider at mabuting mamamayan.
Bilang mga Boy Scouts, kayo ay tinuturuan ng disiplina, pagtutulungan, pagiging handa, at pagmamahal sa bayan”, wika ni Mayor Admiral Art Abu.
Dumalo din si Mayor Admiral Abu sa Research Caravan ng mga guro sa Bayan ng Malvar.  Narito ang bahagi ng kanyang mensahe: “Ang Sustainable Development Goal 4 o SDG 4 ay nagsusulong ng quality education for all. Ngunit upang tunay na mapabilis ang ating pag-abot dito, kailangan natin ng edukasyong nakabatay sa datos, sa siyensya, at sa pananaliksik.
Bilang isang lider na naniniwala sa matatag na pamahalaan at maginhawang mamamayan, lubos kong pinahahalagahan ang papel ng research bilang pundasyon ng mabuting pagpapasya. Sa pamamagitan ng datos, nagiging mas malinaw kung alin ang epektibo, alin ang kailangang baguhin, at alin ang dapat palawakin.
Ang pananaliksik ay hindi lamang para sa mga akademiko; ito ay sandata ng mga guro at tagapagtaguyod ng pagbabago upang mapabuti ang kalidad ng pagtuturo, maisulong ang makabagong pamamaraan, at matugunan ang pangangailangan ng bawat mag-aaral—lalo na ng mga batang may kahinaan, may kakulangan, ngunit may kakayahang maabot ang tagumpay kung bibigyan ng tamang pagkakataon.
Tunay ngang sa pag-aaral at pananaliksik, natutuklasan natin ang mga sagot sa mga hamon ng panahon. At sa tulong ng dedikasyon ninyong mga guro at education leaders, nagiging posible ang inklusibo, determinado, positibo, at makabuluhang pagkatuto para sa bawat Batangueño”.

Post a Comment

0 Comments