Naimbitahan si Mayor Art Abu sa ika-23 Taon na Anibersaryo ng Jesus is Lord - Malvar Chapter. Sa kanyan mensahe ay binigyang diin no Mayor Abu ang tatlong mhahalagang bagay na ginagampanan ng kanilang grupo sa pananampalataya:
“Una, ay ang paggabay sa bawat individual. Sa panahon kung saan napakarami ang hamon—sa trabaho, pamilya, at personal na buhay—ang salita ng Diyos ang nagiging sandalan at direksyon ng tao. Ang inyong mga gawain, fellowship, at pangaral ay patuloy na nagbibigay-lakas sa mga puso ng ating kababayan upang manatiling matatag, matuwid, at kasing sigla ng pananampalataya ni David sa harap ng higante.
Ikalawa, malaki ang naitutulong ng simbahan sa pagpapatatag ng ugnayan ng pamilya. Kapag matibay ang pamilya—mas nagiging masaya, payapa, at mas produktibo ang buong komunidad.
Ikatlo, hindi matatawaran ang papel ng simbahan sa pagpapabuti ng ating komunidad”, wika ni Mayor Abu.
0 Comments