Noong Nobyembre 8, 2025, dumalo at nakiisa ang ating butihing Mayor Admiral Artemio Abu sa Grand Opening ng Executive Motostuff sa LIMA Outlets Store, Malvar, Batangas.
Kabilang sa mga panauhing nagbigay-diin sa makabuluhang pagbubukas na ito sina Mr. Erwin L. Carpena (Managing Director, Motorcycle International, Inc.), Mr. JC Santos (Actor at Motorcycle International Ambassador), Ms. Karen Cunanan (Mall Manager), at Coach Clyde P. Solano (Training Director, Motorclyde Training Center).
Nakiisa rin sa selebrasyong ito ang mga respetadong grupo at personalidad sa motorcycling community tulad ng Vespa Club of Lipa, Harley-Davidson Owners Group (HOG Manila), International Fellowship of Motorcycling Rotarians (IFMR Philippines Chapter), CF Owners Group, at mga bisitang gaya nina Raymond Gabriel, Yen Roxas, Mark Gabriel, Mark Chuidian, Ernest Custodio, Mad Doc Moto, Zernan Labaguis, The Rebelles, Inigo Pimentel, Bobby Orbe, Rendon Labador, Haring Bangis, at Motorcycle Executive Riders.
Ang pagbubukas ng Executive Motostuff ay patunay ng patuloy na pag-unlad ng Malvar at ng malakas na suporta ng pamahalaan sa mga proyektong nagdudulot ng trabaho, negosyo, at kaunlaran sa komunidad. Sa bawat negosyo na nagbubukas sa Malvar, patunay ito na patuloy tayong umaarangkada tungo sa progreso.
Bukod sa premium motorcycle essentials, lifestyle gear, at safety equipment, pinapahalagahan din ng Executive Motostuff ang road safety advocacy, habang nag-aalok ng cozy café experience, isang destination na pinagsasama ang kalidad, estilo, at kaligtasan para sa riding community.
Ipinapaabot ni Mayor Admiral Abu ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa Executive Motostuff at Motorcycle International, Inc. sa paanyaya at sa pagpili sa bayan ng Malvar bilang tahanan ng kanilang bagong tindahan—isang patunay ng lumalawak na tiwala ng pribadong sektor sa Bayan ng Malvar.
0 Comments