Pamaskong Handog ng Kapitolyo para sa Barangay Functionaries ng Malvar!
Ipinaabot ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas buhat sa napakahusay na pamamahala ni Gov Vilma Santos-Recto ang kanilang Pamaskong Handog para sa ating masisipag na Barangay Functionaries—mga katuwang ng Kapitolyo sa pagsusulong ng de-kalidad na serbisyo para sa mga Batangueño.
Kasama din sa pinasalamatan ni Mayor Admiral Art Abu si Mr Ernie Millave (isa sa personal staff ni Gov Vi) at ang Provincial Social Welfare and Development Office, Provincial Health Office, at Provincial Public Order and Safety Department at Office of the Provincial Governor.
0 Comments