Patuloy na isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Malvar ang Seasonal Farm Workers Program (SWP) bilang suporta sa ating mga kababaya na nagnanais magkaroon ng mas malawak na oportunidad sa larangan ng agrikultura. Ang ating mga Malvareñong seasonal farmers na kasalukuyang nasa South Korea ay prioridad na makabalik anumang panahon, hangga’t mayroon silang kaukulang endorsement mula sa kanilang employer.
Hinihikayat po ng LGU Malvar ang lahat ng kasalukuyang seasonal farmers na magtulungan at sumunod sa itinatakdang patakaran hinggil sa pagpapatupad ng programa. Ang maayos na pagtalima sa mga regulasyong ito ay napakahalaga upang mapanatili ang tiwala ng ating international partners at maiwasang magkaroon ng anumang isyu na maaaring magdulot ng paghinto ng programa.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagtalima sa itinakdang kasunduan, nakakatiyak tayo na magpapatuloy ang programang ito at mas marami pang Malvareño ang magkakaroon ng pagkakataong mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
0 Comments