Nakarating po sa tanggapan ni Mayor Admiral Artemio Abu ang hinaing ng ating mga kabataang Malvareño na pumila ngunit hindi nabigyan ng pagkakataon dahil sa limitadong slots ng Educational Assistance mula kay Governor Vilma Santos-Recto.
Bilang tugon, personal pong kinausap ni Mayor Abu si Governor Vi upang mailapit ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral — at tayo po ay pinakinggan!
Kaugnay nito, pinapatawag pong muli ang mga nakalista na estudyanteng Malvareño upang iproseso ang kanilang Educational Assistance.
Tiyakin po na dala ang lahat ng kumpletong requirements hanggang bukas, Nobyembre 13, 2025.
0 Comments