Isang makabuluhang araw ng paglilingkod ang muling ipinamalas ni Mayor Admiral Art Abu sa kanyang pakikiisa sa Simultaneous Payout ng Social Pension para sa mga Senior Citizen sa Bayan ng Malvar. Ang programang ito ay nakaayon sa kanyang 10-Point Agenda, partikular sa adbokasiyang “𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧 – 𝐏𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚𝐲𝐚𝐡𝐢𝐧.”
Nakibahagi rin si Mayor Abu sa aktibidad na pinangasiwaan ng 𝐌𝐄𝐍𝐑𝐎 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 na may temang “𝐄𝐦𝐩𝐨𝐰𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬 𝐭𝐡𝐫𝐨𝐮𝐠𝐡 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐚𝐛𝐨𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐭𝐚𝐤𝐞𝐡𝐨𝐥𝐝𝐞𝐫𝐬.” Layon nitong palakasin ang pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaang lokal at mga katuwang na sektor para sa mas inklusibo at epektibong environmental programs ng bayan.
Nag payout din sa 4P’s na katumbas ng halaga ng plastik na basura na nakolekta ng bawat kasapi, na ayon kay Mayor Abu ay malaki ang tulong hindi lamang sa financial na pangagailanagan ng 4P’s beneficiaries pero higit sa lahat at sa maayos na pamamahala sa basura at pangangalaga sa ating kalikasan.
0 Comments