Sa pangunguna ni Mayor Admiral Art Abu, kasama ang buong Sangguniang Bayan ng Malvar, taus-puso po naming ipinapaabot ang aming pagbati ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ang Pasko ay panahon ng pagmamahalan, pagbibigayan, at pag-asa—isang paalala na sa kabila ng mga hamon na ating hinarap, mas nagiging matatag tayo kapag tayo ay nagkakaisa bilang isang komunidad. Ito rin ay pagkakataon upang magpasalamat at ibahagi sa kapuwa ang biyayang tinatamasa, lalo na sa mga mas higit na nangangailangan.
Nawa’y magsilbing ilaw ang diwa ng Pasko sa bawat tahanan, maghatid ng kapayapaan sa ating mga puso, at magpalakas ng pananampalataya sa Maykapal at malasakit sa isa’t isa.
Isang Mapayapa at Masaganang Pasko, at Manigong Bagong Taon Malvareños!
#MayorAdmiralArtAbu
#ParaSaMatatagNaPamahalaanAtMaginhawangMamamayan
#bayanngmalvar
0 Comments