Taos-puso ko pong binabati at pinasasalamatan ang labinlimang (15) Barangay na nakiisa sa Christmas Lighting Festival na may temang “𝐌𝐚𝐥𝐢𝐰𝐚𝐧𝐚𝐠 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐤𝐮𝐥𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐬𝐤𝐨 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐥𝐯𝐚𝐫𝐞ñ𝐨.”
Ang aktibidad na ito ay patunay ng pagkakaisa, malikhaing diwa, at bayanihan ng ating mga Barangay sa pagbibigay-buhay sa tunay na diwa ng Pasko.
Binabati ko po ang mga nagwaging Barangay—Brgy. Bilucao bilang Champion, Brgy. San Gregorio bilang 1st Place, at Brgy. San Juan bilang 2nd Place—gayundin ang lahat ng Barangay na nakiisa at nagtaguyod ng mas maliwanag at makulay na Pasko sa ating bayan.
Maraming salamat po, at Maligayang Pasko sa ating lahat. 🎄✨
0 Comments