Ito ang pahayag ni Mayor Admiral sa mga nagsidalo: “Tanggapin po ninyo ang aking pagbati na may kasamang paggalang, pagpapakumbaba at pagmamahal sa mga Senior Citizens. Kayo po ang tunay na sandigan ng kasalukuyan at darating pang henerasyon. Dahil po sa inyong husay, kaalaman at malawak na karanasan ay narating natin ang kasalukuyan estado ng ating bayan. Umasa po kayo na patuloy namin kayong iingatan, igagalang at papahalagahan. Nawa ay napakarami pa po ang masayang pagtitipon na tulad nito ang ating pagsama-samahan sa mga darating na pahahon”.
Naging masaya ang mga Senior Citizen hindi lang dahil sa taos pusong memsahe, pati na rin sa mga dalang raffle prizes ni Mayor Abu bilang anak ng Barangay Luta Sur!
0 Comments