Nitong December 17, 2025, sa pangunguna ng ating butihing Mayor Abu, ay matagumpay na naipamahagi ang mga bigas para sa ating mga lokal na 4Ps beneficiaries.
Isa itong inisyatibo upang iparamdam na sila ay mahalaga, kinikilala, at hindi nakakalimutan. Gaya ng binigyang-diin ng ating mahal na Mayor, ang pondong ito ay mula sa mamamayan at para sa mamamayan kaya karapat-dapat lamang na maramdaman at mapakinabangan ito ng bawat isa.
Ang Bayan ng Malvar ay mayaman, at sisikapin ng ating pamahalaang lokal na ipadama ang pondo ng bayan sa tunay na may-ari nito, ang mamamayan. Sama-sama nating tinatahak ang landas ng malasakit, pagkalinga, at tapat na serbisyo.
0 Comments