Sa pamumuno ni Mayor Admiral Art Abu sinimulan na ng Pamahalaang Bayan ng Malvar ang pamamahagi ng Pamaskong Handog para sa mga kawani ng LGU Malvar.
Kasabay nito, ipinamamahagi rin ng bigas para sa mga Barangay Functionaries, TODA, Senior Citizens, 4P’s Graduates, PWD, Solo Parents, at iba pang sektor ng pamayanan—bilang konkretong pagpapahayag ng malasakit at pagkalinga ngayong Kapaskuhan.
Pinagtitibay ng programang ito ang layunin ng pamahalaang lokal na ibalik sa mamamayan ang benepisyo ng kanilang buwis sa pamamagitan ng mga programang makabuluhan, inklusibo, at tunay na tumutugon sa pangangailangan ng bawat Malvareño.
Para sa Matatatag na Pamahalaan at Maginhawang Mamamayan!
#BayanNgMalvar #PamaskongHandog2025
0 Comments