Ngayong umaga nakiisa si Mayor Admiral Art Abu sa Year-End Assessment ng Persons with Disability (PWD) sa Bayan ng Malvar upang pasalamatan ang pamunuan sa mahusay na pagtugon sa pangangailangan ng PWD Sector sa nakalipas na isang taon at upang alamin ang mga nakaplanong programa at serbisyo sa darating na taon na nakatuon sa sektor ng may kapansanan.
Tiniyak niya na mananatiling prayoridad ng kanyang administrasyon ang pagpapalakas ng mga inisyatiba para sa PWD—mula sa livelihood, health services, skills development : mga programang nagtataguyod ng dignidad at partisipasyon ng bawat Malvareño.
0 Comments