Naging panauhing tagapagsalita ang Punong Bayan ng Malvar Mayor Admiral Art Abu sa isinagawang Career Expo ng Malvar Senior High School, kung saan mainit siyang tinanggap ng mga guro, mag-aaral, at pamunuan ng paaralan. Layunin ng naturang programa na mabigyan ng malinaw na direksyon at motibasyon ang mga mag-aaral sa pagpili ng kanilang magiging propesyon at paghahanda sa susunod na yugto ng pag-aaral at pansariling buhay.
Sa kanyang mensahe, ibinahagi ng Alkalde ang kahalagahan ng sipag, disiplina, at tamang pagpapasya bilang susi sa tagumpay, kasabay ng paghikayat sa kabataan na maging responsableng mamamayan at aktibong bahagi ng kaunlaran ng bayan. Binigyang-diin din niya ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Bayan ng Malvar sa mga programang pang-edukasyon na humuhubog sa kinabukasan ng kabataang Malvareño.
#EdukasyonPapahalagahan
#KabataanGagabayan
#MayorAdmiralArtAbu
0 Comments