Isinagawa ang Flag Raising Ceremony sa Pamahalaang Bayan ng Malvar na pinangunahan ni Mayor Admiral Art Abu.






“Sa bawat flag raising, hindi lang po natin itinataas ang ating watawat, inaangat din natin ang ating panata sa tapat na paglilingkod sa bayan.
Ngayong araw, nais kong ipaalala ang bagong kultura at direksyon ng lokal na pamamahala na ating isinusulong isang pamahalaang nakasandal sa professionalismo, disiplina, malasakit, at pagmamahal sa bayan.
Professionalism-ginagawa natin ang tama kahit walang nakatingin.
Disiplina- paninindigan ang tama kahit mahirap.
Malasakit—marunong makinig, umunawa, at makiramay sa mamamayan.
At pagmamahal sa bayan-  paglilingkod na hindi para sa sarili, kundi para sa bayan.
Bilang mga kawani ng pamahalaan, tayo ay huwaran. Ang ating opisina ay dapat maging kanlungan ng pag-asa para sa Malvareño.
Maglingkod tayo nang may puso, may disiplina, at may malasakit para sa isang matatag na pamahalaan at maginhawang mamamayan.”  wika ni Mayor Admiral Art Abu. 
#MayorAdmiralArtAbu

Post a Comment

0 Comments