Isinagawa sa Flag Raising Ceremony sa Munisipyo ng Malvar ang pormal na pagkilala sa mga mag-aaral na Malvareño bilang parangal sa kanilang natatanging tagumpay sa iba’t ibang larangan ng kompetisyon sa nakaraang 2026 Division Festival of Talents.






Nagkamit ng Unang Gantimpala sa SNED EXPO ICT Challenge for Learners with Disabilities: Video Editing Competition sina Keith Kerby M. Ebon at Vince S. Talacay ng Santiago Malvar Senior High School, at Joanna Mhay A. Rosete ng Luta Sur National High School, sa patnubay ng kanilang coach na si Florielyn G. Altamirano, Special Needs Education Teacher II ng Malvar Central School.
Kinilala rin ang kahusayan ni Reigne R. Pedroso ng Malvar Central School na nagwagi ng Unang Gantimpala sa 2026 Division Festival of Talents Read-A-Thon Filipino Likhawento at Regional Festival of Talents Qualifier, kasama ang kanyang coach na si Mharvin D. Maya, Teacher III ng Malvar Central School.
Ang bawat tagumpay na ito ay patunay ng husay, sipag, at dedikasyon ng kabataang Malvareño, gayundin ng walang sawang paggabay ng kanilang mga guro sa paghubog ng kahusayan at talento sa larangan ng edukasyon. 🎓👏
#EdukasyonPapahalagahan 
#KabataanGagabayan
#MayorAdmiralArtAbu

Post a Comment

0 Comments