Dahil sa pagiging mainit na usapin ang problema sa koleksyon ng basura sa bayan, minabuti ni Mayor Admiral Art Abu na agarang maghanap at maglatag ng konkretong solusyon para sa kapakanan ng mga Malvareño. Kaugnay nito, magkaroon ng karagdagang service provider para sa garbage collection sa Bayan ng Malvar upang mas masiguro ang kalinisan at kaayusan ng ating bayan.
Ngayong araw Enero 21, 2026, pinangunahan ni Mayor Admiral Art Abu, kasama ang tanggapan ng MENRO, ang isang pagpupulong kay Mr. Gary Llanes upang talakayin ang mga usaping may kaugnayan sa serbisyo ng pagkolekta ng basura ng Damascus Corporation. Tinalakay sa pagpupulong ang mga operational updates, sakop ng serbisyo, at ang pagsunod sa mga patakaran ng bayan ukol sa waste management.
Ang hakbang na ito ay patunay ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Malvar sa mga katuwang nitong pribadong sektor upang masigurong maayos ang koleksyon ng basura, mapangalagaan ang kalikasan, at mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng bawat Malvareño.
Isang paraan ito tungo sa mas malinis, mas maayos, at mas ligtas na Malvar.
#KalinisanNgKapaligiranTitiyakin
#MayorAdmiralArtAbu
0 Comments